Magnitude 6.5 na lindol tumama sa South Georgia at South Sandwich Islands
Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang South Georgia at South Sandwich Islands na British Overseas Territory sa southern Atlantic Ocean.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang lindol alas 4:14 Biyernes ng hapon o dakong 12:14 Sabado ng umaga oras sa Pilipinas.
Ang lindol ay may lalim na 58.4 kilometro.
Nabatid na wala namang mga katao hanggang sa layong 100 kilometro ng lindol kaya walang casualty report.
Wala namang inilabas na tsunami alert dahil sa lindol.
Wala ring naiulat na pinsala bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.