Ginebra vs Magnolia best of 3 sa PBA quarterfinals, aarangkada na mamaya

Handa na ang Barangay Ginebra at Magnolia na simulan ang Manila Clasico para sa kanilang best of 3 quarterfinals sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay mamayang gabi.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, isa itong crucial showdown ng dalawang koponan.

Maghaharap ang Gin Kings at Hotshots sa quarterfinals kasunod ng kanilang record sa eliminations.

Samantala, umaasa si Magnolia Coach Chito Victolero na magiging maganda ang laban.

Matatandaan na sa elimination ay nagpakita ng kanya kanyang istratehiya ang Ginebra at Magnolia.

Dakong 6:30 ng gabi ang sagupaan ng 2 teams habang sa unang game ay maglalaban ang San Miguel at TNT Ka Tropa sa sarili nilang race to 2 quarters series.

Read more...