Oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

By Rhommel Balasbas April 06, 2019 - 03:14 AM

Matapos ang kakarampot na rollback noong Martes, mayroon na namang taas-presyo na inaasahan sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Jetti Petroleum batay sa naging trading mula Lunes hanggang Huwebes, nasa P0.25 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina.

Ang presyo ng diesel naman ay posibleng madagdagan din ng P0.15 bawat litro.

Ang pinal na presyo ng itataas ng petrolyo ay depende sa naging resulta ng trading kahapon.

Posibleng ngayong weekend o sa Lunes ay ianunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng taas-presyo.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.

TAGS: diesel, gasolina, Jetti Petroleum, oil price hike, produktong petrolyo, rollback, taas presyo, diesel, gasolina, Jetti Petroleum, oil price hike, produktong petrolyo, rollback, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.