Indonesian nailigtas mula sa Abu Sayyaf sa Sulu

By Len Montaño April 06, 2019 - 02:51 AM

Nailigtas ang isang Indonesian mula sa kamay ng Abu Sayyaf Group sa Simisa Island, Banguingui, Sulu.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, nakaligtas si Heri Ardiansyah pero ang kasama nito na nakilala lang sa pangalang Hariadin ay nasawi matapos malunod.

Tinangkang lumangoy ng tatlong bandido kasama ang dalawa nilang bihag sa karagatan papuntang Bangalai Island.

Ito ay para takasan ang tumutugis na tropa ng gobyerno na nakakita sa kanila habang nagpapatrulya ang otoridad.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command spokesperson Gerry Besana, tinutugis ng militar ang mga bandido at nasukol ang mga ito sa Simisa Island.

Nabatid na patay ang 3 miyembro ng ASG na nasa ilalim ng subleader na si Najir Arik sa bakbakan sa mga sundalo na tumagal ng 10 minuto.

TAGS: abu sayyaf group, AFP Western Mindanao Command spokesperson Gerry Besana, bakbakan, Indonesian, Joint Task Force Sulu, nailigtas, Najir Arik, Sulu, abu sayyaf group, AFP Western Mindanao Command spokesperson Gerry Besana, bakbakan, Indonesian, Joint Task Force Sulu, nailigtas, Najir Arik, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.