Sara Duterte: Pagsuspinde sa writ of habeas corpus hindi maaaring gawin ng Pangulo

By Rhommel Balasbas April 06, 2019 - 01:49 AM

Hindi maaaring suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang privilege of the writ of habeas corpus ayon mismo sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa talumpati sa Puerto Princesa Huwebes ng gabi ay nagbabala ang presidente sakaling mapuno na sa kanyang mga kritiko.

Sa panayam ng media sa Cagayan de Oro City araw ng Biyernes, iginiit naman ni Sara na hindi maaaring suspendihin ng pangulo ang writ of habeas corpus dahil Kongreso lamang ang makagagawa nito sa ilalim ng Konstitusyon.

Ang pangulo at ang kanyang anak ay parehong abogado.

“If you go by it legally the President cannot suspend the writ of habeas corpus only the Congress can do that under the constitution,” ani Sara.

Ayon pa sa nakababatang Duterte, kung may pahayag ang kanyang ama na ganoon ay aalamin pa niya kung ano ang naging basehan nito.

TAGS: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, hindi pwedeng suspendihin, Kongreso, Konstitusyon, mapuno, Rodrigo Duterte, writ of habeas corpus, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, hindi pwedeng suspendihin, Kongreso, Konstitusyon, mapuno, Rodrigo Duterte, writ of habeas corpus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.