Nakatakdang magdeklara ng state of calamity ang 4 pang bayan sa lalawigan ng Cebu dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), hinihintay na lang ng mga bayan ng Santa Fe, Pilar, Asturias Compostela at Talisay ang datos ukol sa pinsala ng tagtuyot sa kanilang lugar saka magdedeklara ng state of calamity sa lugar.
Sinabi ni Rhee Telen Jr. ng PDRRMO na posibleng sa susunod na linggo ay idedeklara na ang state of calamity sa naturang mga bayan.
Tiniyak ng ahensya na ang magiging deklarasyon ng state of calamity ay validated at accounted para maiwasan na magamit ang pondo sa eleksyon sa Mayo.
Naglaan ang probinsya ng maximum na P25 milyon mula sa quick response fund para sa state of calamity.