Mga kandidato, binalaan laban sa paggamit ng kanta para sa campaign jingle
Binalaan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang mga kandidato sa paggamit sa kanta ng iba para sa kanilang kampanya nang walang kaukulang paalam.
Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan na dapat kumuha sa kanila ng permiso at lisensya para sa mga kanta na may copyright kung gagamitin ito bilang campaign jingle.
Ito ay sa gitna ng lantarang paggamit ng mga kandidato sa mga kanta o musika sa kanilang kampanya.
“The essential requirement in copyright is permission. Even if you are willing to pay the royalty, if the copyright owner does not agree, you can’t use it,” pahayag ni IPOPHL Director General Josephine R. Santiago.
Dagdag ng tanggapan, nagbibigay ng permiso ang copyright owner ng kanta sa pamamagitan ng paglalabas ng lisenya.
Mangagahulugan ito ng kaukulang bayad sa lisensya kapalit ng paggamit sa kanta bilang campaign jingle.
Ang pahayag ng tanggapan ay kasunod ng post ng dating vocalist ng rock band na Sandwich at dating drummer ng Eraserheads na si Raymund Marasigan ukol sa anyay pagnanakaw ng mga kandidato sa mga kanta.
Sinabi pa ni Marasigan na hindi pa nga naihahalal ang kandidato ay nagnakaw na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.