Lalaki patay sa pamamaril sa Cebu City

By Len Montaño April 05, 2019 - 10:58 PM

Mabolo Police photo

Isang 22 anyos na lalaki ang nasawi matapos barilin sa J. De Vera Street Barangay Carreta, Cebu City.

Kinilala ang biktima ng pamamaril na si Artemio Sabangan.

Ayon sa pulisya, naglalakad si Sabangan sa gilid ng kalsada nang lapitan ito ng lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Biglang binaril ng suspek ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

Pero tinitingnan ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa droga dahil inamin ng pamilya ni Sabangan na isa itong drug user.

TAGS: anggulong droga, binaril sa ulo, Cebu City, Droga, Drug user, lalaking nakamotorsiklo, patay sa pamamaril, anggulong droga, binaril sa ulo, Cebu City, Droga, Drug user, lalaking nakamotorsiklo, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.