SWS: Karamihan ng mga Pinoy ‘di naniniwala na maganda ang intensyon ng China sa Pilipinas
Hindi naniniwala ang karamihan ng mga Pilipino na maganda ang intensyon ng gobyerno ng China sa Pilipinas.
Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong December 2018, nasa 44 percent ng mga Pinoy ang tutol sa pahayag na ang mga gustong mangyari ng Chinese government para sa Pilipinas ay mabuti para sa mga Pilipino.
Sa naturang porsyento, 22 percent ang “strongly disagree” habang ang 22 percent din ang “somewhat disagree” sa pahayag.
Samantala, nasa 27 percent ang “agree” sa statement pero 29 percent ang “undecided.”
Ginawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 respondents.
Tinanong ang tig 360 sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.