Pemberton bantay-sarado ng mga tauhan ng BuCor Camp Aguinaldo
Labingwalong mga tauhan ng Bureau of Corrections ang nagpapalitan para sa sa pagbabantay kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Si Pemberton ay kasalukuyang naka-kulong isang air-conditioned na 40-footer container van sa loob ng Mutual Defense Board compound sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ni BuCor Dir. Reiner Cruz na ginagawa pa ang AFP Custodial Center na paglilipatan kay Pemberton para umangkop sa world standard para sa isang bilangguan.
Nilinaw ni Cruz na magsisilbing extension facility ang nasabing custodial center na minsang naging kulungan ng mga miyembro ng Magdalo.
Aminado naman ang opisyal na ang U.S Embassy ang nagbibigay ng araw-araw na pagkain para kay Pemberton.
Paliwanag ni Cruz, mas makakatipid pa nga raw ang pamahalaan dahil kulang talaga ang P50 na budget sa pagkain ng mga karaniwang preso sa mga pasililidad ng BuCor.
Bukod sa pagkain, nagtalaga rin ng bantay ang US Embassy pero sila ay magsisilbi laming na second layer of defense.
Si Pemberton ay muling ibinalik sa loob ng Camp Aguinaldo makaraan siyang hatulan na guilty sa kasong homicide makaraan niyang mapatay ang Filipino transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.