Huling batch ng imported na NFA rice dumating na sa Subic

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 08:33 PM

Dumating na sa Subic ang huling batch ng imported na NFA rice.

Sa pagdating ng 18,000 metric tons ng bigas galing Pakistan, mayroon na ngayong 515,125 na metric tons ng NFA rice ang bansa.

Ayon kay NFA acting administrator for operations Rex Estoperez ito na ang huling pag-aangkat ng NFA rice at ang nasabing dami ng bigas ay tatagal hanggang Agosto.

Hindi na magbebenta ng NFA rice sa mga palengke at pamilihan matapos alisin ang ibang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Rice Tariffication law.

Bibili pa rinn aman ng bigas ang NFA sa mga magsasaka sa bansa pero para na lamang ito sa pamamahagi kapag may kalamidad.

TAGS: imported NFA rice, National Food Authority, NFA Rice, pakistan, Subig, imported NFA rice, National Food Authority, NFA Rice, pakistan, Subig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.