Bahagi ng Commonwealth at Regalado maaapkektuhan ng aktibidad sa MRT-7 construction ngayong gabi
Magsasagawa ng aktibidad sa MRT-7 ngayong gabi na makaaapekto sa daloy ng traffic sa Commonwealth Avenue at Regalado Highway.
Sa abiso ng MRT-7 Traffic Task Force, magsasagawa sila ng Girder Installation sa bahagi ng Commonwealth Avenue- Fairview City Mall.
Maaapektuhan ang dalawang inner lanes ng sa westbound sa nasabing lugar.
Samantala, may Girder at Translab Installation din sa bahagi ng Regalado Highway.
Dahil dito, ang dalawang westbound lanes ng Regalado Highway ang tanging magagamit ng mga sasakyang patungong Elliptical ROad at patungong Caloocan/Bulacan area.
Ang aktibidad ay magsisimula ng alas 11:00 ng gabi mamaya (Apr. 5) hanggang alas 5:00 ng umaga bukas (Apr 6).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.