VP Robredo handang pumalit kay Pangulong Duterte sakaling ideklara ang revolutionary government
Handa si Vice President Leni Robredo na humalili kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling magdeklara man ito ng revolutionary government.
Sa panayam kay Robredo sa launching ng “Ahon Laylayan” coalition sa Tagbilaran City sa Bohol ay sinabi niyang bahagi iyon ng kaniyang constitutional mandate.
Lahat naman aniya ng kumandidatong bise presidente ay dapat handa sa sitwasyon sakaling kailanganin siyang maupo bilang pangulo ng bansa.
Pero ani Robredo labag sa Saligang Batas ang pagdedeklara ng revolutionary government dahil kapwa sila nanumpa sa kanilang tungkulin nang maluklok sa pwesto.
Bilang abogado, alam aniya ng pangulo na labag ito sa Konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.