Hepe ng Koronadal City police sinibak; nakuhanan ng video na nakikipag-inuman at nagsusugal kasama ang mga tauhan

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 04:59 PM

Sinibak sa serbisyo ang chief of police ng Koronadal City police matapos kumalat online ang video nito at kaniyang mga tauhan habang nag-iinuman at naglalaro ng baraha sa police station.

Sa pahayag ni Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, director ng Soccsksargen police, ang sinibak ay si Lt. Col. Benjiel Kirby Bajo.

Si Lt. Col. Rey Egos ang pansamantalang papalit kay Bajo sa pwesto, at ililipat muna si Bajo sa headquarters ng South Cotabato police.

Ayon kay Rasco, nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sinu-sino ang iba pang tauhan ng police station na nakita sa video.

Mahigpit ang bilin ni PNP chief General Oscar Albayalde sa mga pulis na iwasan ang pagpunta sa mga bar, nightclubs, pubs at casino lalo at ayaw na ayaw ito ni Pangulong Duterte.

TAGS: Benjiel Kirby Bajo, Chief of Police, koronadal, Benjiel Kirby Bajo, Chief of Police, koronadal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.