LOOK: Ilang lansangan isasara para sa reblocking at repair ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 04:34 PM

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang improvement works nito sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon kay DPWH-National Capital Region (DPWH-NCR) Director Ador G. Canlas, ang rehabilitasyon sa mga kalsada ay mag-uumpisa ng alas 11:00 ng gabi ng mamaya, (Apr. 5).

Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:
EDSA – New York Street hanggang Monte de Piedad, 2nd lane mula sa sidewalk
C5 – bago mag-Ortigas Flyover hanggang Tiendesitas
Katipunan Ave – lagpas ng C.P Garcia hanggang Gonzales Street
Katipunan Ave – lagpas ng F. Dela Rosa Street, truck lane

NORTHBOUND
EDSA – 50 meters pagkalagpas ng MRT Magallanes hanggang KM 29 sa Makati, outer lane
C5 – harap ng SM Aura

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang ang nabanggit na mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.

Sa Lunes, Apr. 8 alas 5:00 ng umaga ay bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.

 

TAGS: C5, DPWH, edsa, Metro Manila, NCR, road construction, road repair, C5, DPWH, edsa, Metro Manila, NCR, road construction, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.