Dating Laguna Gov. ER Ejercito hinatulang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito sa kasong graft.

Sa inilabas na desisyon ng anti-graft court Fourt Division, pinatawan si Ejercito ng anim hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa mga maanomalyang insurance deal noong siya pa ang alkalde ng Pagsanjan, Laguna taong 2008.

Diskwalipikado na rin si Ejercito sa pag-upo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Kasunod nito, maari namang umapela si Ejercito sa naging desisyon ng anti-graft court.

Maaari ring pagbayarin ng multa si Ejercito sa kinakaharap na kaso.

Read more...