LOOK: Kennon Road isasara sa mga motorista mula mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 03:43 PM

Isasara sa daloy ng traffic ang Kennon Road mula at patungong Baguio City.

Sa abiso ng Department of Public Works and Higiways (DPWH) sa Cordillera ang pagsasara ay mula alas 6:00 ng gabi ngayong araw (Apr. 5) hanggang alas 6:00 ng umaga ng April 8.

Ito ay dahil sa mga batong nagbagsakan at humarang sa kalsada bunsod ng naranasang malalakas na pag-ulan nitong nagdaang mga araw.

Para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista ay minabuting isara mula ang kalsada.

Ang mga motorista ay pinapayuhang dumaan na lamang muna sa Marcos Highway at sa Naguilian Road.

TAGS: baguio city, Cordillera, DPWH, Kennon Road, road closure, baguio city, Cordillera, DPWH, Kennon Road, road closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.