BDO may systems upgrade sa Apr. 12 at Apr. 20

Magkakaroon ng systems upgrade ang BDO Unibak sa Holy Week.

Sa abiso ng BDO, magsisimula ang systems upgrade alas 8:00 ng gabi ng Biyernes Santo (Apr. 19) hanggang sa alas 12:00 ng tanghali ng Sabado de Gloria (April 20).

Sa nasabing oras at petsa, hindi magagamit ang kanilang ATM, mobile at online banking, gayundin ang debit at cash card transactions.

Pinayuhan ng BDO ang mga kliyento nito na gawin na ang kanilang banking transactions bago mangyari ang systems upgrade.

Sarado ang mga branch ng BDO mula April 18, Huwebes Santo hanggang sa April 21, Linggo ng Pagkabuhay.

Magre-resume ang kanilang regular operations sa Lunes, April 22.

Read more...