9 na simbahan at chapel sa Intramuros, bubuksan para sa Visita Iglesia
Siyam na mga simbahan at chapel sa Intramuros, Maynila ang maaring puntahan para sa Visita Iglesia ngayong Semana Santa.
Sa abiso ng Department of Tourism (DOT) at ng Intramuros Administration (IA), bubuksan sa pilgrims ang mga simbahan mula April 18, Huwebes Santo hanggang April 20, Sabado de Gloria.
Kabilang dito ang mga sumusunod na simbahan at chapels:
• Manila Cathedral
• San Agustin Parish Church
• Fr. Willman Chapel sa Knights of Columbus Building
• Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Chapel
• Mapua University Chapel
• Lyceum of the Philippines University Chapel
• Colegio de San Juan de Letran Chapel
• St. Matthew’s Chapel sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Building
• Guadalupe Shrine sa Fort Santiago.
Noong 2018, pitong simbahan at chapels lang ang binuksan sa Intramuros para sa Holy Week.
Maglalagay din ng stations of the Cross sa kahabaan ng General Luna Street, mula sa Beaterio Street hanggang sa Muralla sa bahagi ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Mayroon ding Holy Week activities sa Intramuros gaya ng “Penetencia” na pangungunahan ng Cainta Nazareno Inc. at idaraos sa Plaza Roma at Manila Cathedral sa Huwebes Santo alas 7:00 ng gabi.
Nagpa-abiso naman ang DOT at IA na isasara sa mga motorista ang General Luna Street mula sa gabi ng Miyerkules Santo, April 17, hanggang sa Biyernes Santo, April 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.