Reklamo laban sa drug war ni Pangulong Duterte umusad na sa ICC

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 02:21 PM

Inumpisahan na ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague ang preliminary examination sa kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) natanggap nila ang liham mula sa Office of the Prosecutor ng ICC na may petsang April 4, 2019.

Nakasaad sa liham na sinimulan na ang preliminary examination sa reklamo ng NUPL na laban kay Duterte na isinampa noong August 2018.

Magugunitang isinampa ng NUPL ang reklamo laban sa pangulo kasama ang kaanak ng walong biktima ng war on drugs.

Ito na ang ikalawang petisyon laban sa war on drugs ng administrasyon ni Duterte.

Ang una ay inihain ng abogadong si Jude Sabio noong April 2017.

TAGS: ICC, International Criminal Court, president duterte, War on drugs, ICC, International Criminal Court, president duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.