Barko ng Russian Navy darating sa bansa para sa limang araw ng goodwill visit
By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 02:10 PM
Darating sa Pilipinas sa susunod na Linggo ang mga barko ng Russian Navy para sa limang araw na goodwill visit.
Nakatakdang dumaong sa bansa ang anti-submarine ships na Admiral Tributs at Vinogradov at ang malaking sea tanker na Irkut.
Sa abiso ng Philippine Navy magkakaroon ng welcome ceremony para sa mga Russian visitors.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na pagbisita sa bansa ng Russian Navy vessels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.