Pamangkin ng mayor sa Pandi, Bulacan nakaligtas sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 12:26 PM

Nakaligtas sa pananambang ang isang 22-anyos na babae na pamangkin ni Pandi, Bulacan Mayor Celestino Marquez.

Tinambangan ang biktimang si Pamela Marquez sa labas ng isang harware store sa Pandi.

Si Pamela ay anak ni dating Vice Mayor Oca Marquez.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaniyang katawan matapos siyang pagbabarilin ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Police Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, binuntutan ng mga suspek ang biktima na galing sa isang remittance center.

Nang ito ay pasakay na sa kaniyang SUV ay saka ito binaril.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Balagtas.

Naisugod sa ospital ang biktima kung saan ito nagpapagaling.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananambang.

TAGS: ambush, Bulacan, Pandi, Radyo Inquirer, ambush, Bulacan, Pandi, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.