Yellow Alert muling itinaas sa Luzon Grid ayon sa NGCP

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz April 05, 2019 - 12:05 PM

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa kapos na reserba sa kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation, umiral ang yellow alert ala 1:00 hanggang alas 3:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na ang available capacity ngayon sa Luzon Grid ay 11,292 MW habang aabot sa 10,097 MW ang peak demand.

Dahil dito, pinayuhan ng Meralco ang mga consumer na magtipid sa kuryente.

Sakaling kapusin ng suplay, pinapayuhan ang mga korporasyon at establisyimentong bahagi ng Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets para maiwasan ang power outage.

Sa mga bahay naman, maraming pamamaraan ayon sa Meralco upang makatipid sa enerhiya at kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.

TAGS: Meralco, ngcp, power reserve, power supply, Yellow Alert, Meralco, ngcp, power reserve, power supply, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.