VP Robredo magiging presidente kapag nagdeklara ng revolutionary government si Pang. Duterte

Si Vice President Leni Robredo ang magte-take over bilang bagong presidente ng bansa kapah nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government.

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal sa sandaling ideklara ang revolutionary government ay susundin ang leadership hierarchy.

Ginawa ni Macalintal ang pahayag isang araw matapos sabihin ni Pangulong Duterte na kapag naubos ang pasensya niya ay sususpindihin niya ang writ of habeas corpus at magdedeklara sila ng revolutionary war.

Sinabi ni Macalintal na ang deklarasyon ng revolutionary war ay mangangahulugang ite-terminate ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagiging presidente.

Kapag naideklara aniya ang revolutionary war si Pangulong Duterte ay magiging lider na ng revolutionary government habang si Robredo ang magiging pangulo.

Pero nilinaw ni Macalintal na inconsistent ang sabay na pagdedeklara ng revolutionary government at pagsuspinde ng writ of habeas corpus.

“If President Duterte suspends such privilege, then he is still adhering to the provisions if our constitution, which is inconsistent with his revolutionary government, which has no charter at all,” ani Macalintal.

Read more...