Hepe ng MPD may paalala sa mga tauhan matapos sibakin ng ombudsman ang isang pulis-Maynila

By Ricky Brozas April 05, 2019 - 10:50 AM

Handang tumalima si Manila Police District (MPD) Director Police Brig. General Vicente Danaoa Jr. sa kautusan ng Ombudsman na sibakin ang isa mga tauhan nito.

Ayon kay Danao, dumaan sa tamang proseso ang ginawang desisyon ng Ombudsman laban kay Police Staff Sgt. Gerry Genalope dahil sa kasong grave misconduct.

Ito ay matapos siyang masangkot sa pagpatay sa isang 23-anyos na epileptic sa anti-illegal drug operation sa Tondo, Manila noong 2017.

Naniniwala din si Danao na patas ang naging desisyon ng Ombdusman laban sa tauhan nito.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Danao ang mga tauhan nito at maging ang iba pang law enforcers na walang sinuman ang mas nakatataas sa batas.

Dapat aniyang maayos at maingat ang mga otoridad sa pagpapatupad ng batas.

TAGS: Grave misconduct, manila police, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer, Grave misconduct, manila police, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.