LOOK: Mga lugar na nakapagtala ng pinakamainit na temperatura kahapon
Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon araw ng Huwebes, Apr. 4 ayon sa PAGASA.
Sa datos ng PAGASA, kabilang sa nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon ay ang mga sumusunod:
• Subic Bay, Zambales – 34.5 degrees Celsius
• NAIA – 33.9 degrees Celsius
• General Santos City – 33.5 degrees Celsius
Narito naman ang tatlong mga lugar nakapagtala ng pinakamataas na heat index kahapon:
• Dagupan City – 44.5 degrees Celsius
• Cuyo, Palawan – 41.4 degrees Celsius
• Sangley Point Cavite 41.4 degrees Celsius
Patuloy ang babala ng PAGASA na maaring maranasan ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Pinapayuhan ang publiko na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa heat stroke o iba pang sakit na maaring makuha kapag tag-init.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.