Chinese-crewed dredging vessel umalis na sa Lobo, Batangas

Nakaalis na sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas ang Chiense-crewed vessel na MV Emerald.

Ayon sa kapitan ng Barangay Lagardlarin na si Mafriel Dimaano, sa pagitan ng alas 6:00 at alas 7:00 ng umaga nang magsimulang maglayag paalis ang barko.

Ito ay matapos kanselahin ng Philippine Ports Authority (PPA) ang anchorage permit ng barko.

Hind naman tiyak ni Dimaano kung saan sunod na nagtungo ang barko pero base sa utos ng PPA dadalhin ito sa international port sa Batangas City.

Ang hopper dredger ay may lulang Chinese crew at dumating sa bansa noong nakaraang linggo.

Naalarma ang mga residente sa lugar nang malamang gagamitin ang barko para magsagawa ng dredging activities sa Lobo River.

Ayon kay Lobo Mayor Jurly Manalo, walang permiso mula sa kaniyang tanggapan ang Seagate Engineering and Buildsystems na kumpanyang nag-charter sa barko.

Wala din itong clearance mula sa DPWH at Mines Geosciences Bureau.

Read more...