Mga Pinoy sa Libya pinayuhang manatili sa loob ng mga bahay at iwasan ang matataong lugar
Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya ang mga Filipino doon na maging maingat at iwasan umano ang paglabas-labas.
Ayon sa embahada, patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon matapos ang state of emergency na idineklara doon ng Presidential Council.
Partikular na binabantayan ang troop movements ng Libyang National Army.
Huwebes ng gabi ay sinabi ni Eastern Libyan Commander Khalifa Haftar na nagmamartsa na ang kanilang mga tauhan patungong Tripoli.
Payo ng embahada sa mga Pinoy, maging mapagmatyag at iwasang magtungo sa matataong lugar.
Pinapayuhan din ang mga Pinoy na mag-stock ng basic na pangangailangan gaya ng pagkain at inumin.
Ang mga Pinoy naman na nais magpa-repatriate ay pinapayuhang tawagan ang embahada para agad maiayos ang kanilang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.