MRT at LRT may libreng sakay sa mga beterano mula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2019 - 07:53 AM

Libre ang sakay ng lahat ng Filipino Veterans sa MRT-3 at LRT-2 simula ngayong araw, April 5 hanggang sa April 11.

Ang isang linggong libreng sakay para sa mga beterano ay bahagi ng selebrasyon ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan.

Simula sa pagbubukas pa lamang ng biyahe ng mga tren hanggang sa huling biyahe ay libreng makasakay ang mga beterano at isang kasama nila.

Kailangan lamang ipakita ang kanilang ID na inisyu ng Philippine Veterans Affairs Office para sa libreng sakay.

TAGS: Free Ride, LRT, MRT, Radyo Inquirer, Free Ride, LRT, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.