Bulgarian boxer na nanghalik ng Fil-Am reporter, sinuspinde ng California State Athletic Commission
Pinatawan ng suspensyon ang isang Bulgarian boxer matapos nitong halikan sa labi ang isang Fil-Am reporter habang siya ay kinakapanayam.
Sa desisyon ng California State Athletic Commission, sinuspinde ang lisensya ni Bulgarian heavyweight boxer Kubrat Pulev.
Pwersahan umanong hinalikan ni Pulev ang babaeng Fil-Am reporter sa labi matapos ang kaniyang tagumpay na laban noong Sabado.
Ang video ng nasabing paghalik ni Pulev kay Jennifer Ravalo ng Vegas Sports Daily ay lumabas sa social media.
Inatasan din ang boksingero na humarap sa California State Athletic Commission na nag-imbestiga sa insidente.
Bago umano mabigyan muli ng lisensya si Pulev upang makalaban sa California ay dapat siyang makapagpaliwanag sa komisyon.
Sa paliwanag naman sa kaniyang Twitter Account sinabi ni Pulev na kaibigan niya si Ravalo at pagkatapos ng interview hinalikan niya ito dahil sa sobrang saya niya sa pagkapanalo.
Katunayan makikita aniya sa video na kapwa sila tumawa pagkatapos ng halik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.