11 arestado dahil sa droga sa Maynila

By Rhommel Balasbas April 05, 2019 - 04:12 AM

Contributed photo

Arestado ang 11 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Malate, Maynila.

Unang natimbog ang apat na suspek kabilang ang isang barangay tanod sa buy bust operation sa San Andres St., Brgy. 705.

Ayon kay Police Captain Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng Malate Police, target ng operasyon si Ernie Enaje, 46 anyos na kasama sa kanilang watchlist.

Arestado rin ang mga kasamahan ni Enaje na nakilalang sina Eduardo Embok, Richard Villarna at Christopher Agustin na nagtatrabaho bilang Tanod ng Brgy. 700.

Nakuha mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at P200 na buy bust money.

Sa isinagawang anti-criminality operations naman sa bahagi ng A. Mabini Street, nahuli ang dalawang drug personality na nakilalang sina Juliet Piel at Sarah Jane Cultivo.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Contributed photo

Nagkaroon muli ng buy bust operation sa kanto naman ng Mabini St. at San Andres St. kung saan naaresto ang lima namang suspek.

Nakilala ang mga suspek na Dianne Shane Velasco, Leonedes Ma, Mabel Abbo, Pete Santos at Erik Cornelio.

Nakuha naman sa mga ito ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P534,000, isang motorsiklo at buy bust money.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek partikular ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 11 katao, 12 sachet, Anti-Criminality Operations, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, shabu, 11 katao, 12 sachet, Anti-Criminality Operations, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.