Nasa 301+ bracket ang DLSU.
Ang inaurugal ranking ay sumusukat sa tagumpay ng mga Pamantasan sa pagtaguyod sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs).
Tinutumbok ng rankings ang 11 sa 17 SDGs na nagsisilbing blueprint para matamo ang maganda at maayos na kinabukasan para sa lahat.
Ayon sa DLSU, sila ay nasa 201+ bracket para sa Sustainable Cities and Communities; 201+ bracket para sa Decent Work and Economic Growth; at 301+ bracket naman para sa Quality Education.
Nanguna naman sa listahan ang University of Auckland sa New Zealand na sinundan ng McMaster University sa Canada.
Ang kauna-unahang edisyon ng University Impact Rankings ng THE ay kinabibilangan ng 450 unibersidad mula sa 76 na bansa.