DLSU kaisa-isang unibersidad sa bansa na pasok sa University Impact Rankings

By Rhommel Balasbas April 05, 2019 - 04:01 AM

Tanging ang De La Salle University (DLSU) lamang ang Pamantasan sa Pilipinas na nakapasok sa University Impact Rankings ng Times Higher Education (THE).

Nasa 301+ bracket ang DLSU.

Ang inaurugal ranking ay sumusukat sa tagumpay ng mga Pamantasan sa pagtaguyod sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs).

Tinutumbok ng rankings ang 11 sa 17 SDGs na nagsisilbing blueprint para matamo ang maganda at maayos na kinabukasan para sa lahat.

Ayon sa DLSU, sila ay nasa 201+ bracket para sa Sustainable Cities and Communities; 201+ bracket para sa Decent Work and Economic Growth; at 301+ bracket naman para sa Quality Education.

Nanguna naman sa listahan ang University of Auckland sa New Zealand na sinundan ng McMaster University sa Canada.

Ang kauna-unahang edisyon ng University Impact Rankings ng THE ay kinabibilangan ng 450 unibersidad mula sa 76 na bansa.

TAGS: De La Salle University, McMaster University, Pamantasan, pumasok, sumusukat sa tagumpay, Times Higher Education, University Impact Rankings, University of Auckland, De La Salle University, McMaster University, Pamantasan, pumasok, sumusukat sa tagumpay, Times Higher Education, University Impact Rankings, University of Auckland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.