PAO pinalilipat sa iisang korte ang lahat ng kaso ukol Dengvaxia
Hiniling ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Korte Suprema na ilipat ang pagdinig sa lahat ng mga kaso kaugnay ng Dengvaxia sa isang korte na lang sa Quezon City.
Sa inihaing petisyon, iginiit ni PAO chief Persida Rueda-Acosta sa Supreme Court na mas mabuting ilipat sa iisang venue gaya ng family court ang lahat ng Dengvaxia cases para mapadali ang pag-usad ng mga ito.
Ayon kay Acosta, posibleng magkakaiba ang maging desisyon dahil sa magkakahiwalay na korte nakasampa ang mga kaso.
Sa unang batch ay isinampa ang mga kaso sa iba’t ibang korte dahil galing sa magkakahiwalay na lugar ang mga namatayan dahil umano sa Dengvaxia.
Umaasa ang PAO na pagbibigyan ng SC ang kanilang petisyon na magkaroon ng special court kung saan lilitisin ang lahat ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.