Duterte: ‘Ako Katoliko man ako, ‘di lang ako nagsisimba’

By Rhommel Balasbas April 05, 2019 - 03:32 AM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang kanyang termino bilang pangulo, ay hihilingin niya sa mga obispo at pari na ipagdasal ang kanyang kamatayan.

Sa talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Puerto Princesa, araw ng Huwebes, sinabi ni Duterte na ayaw niyang mamatay na nakahiga sa kama at nilalanggam ang kanyang katawan.

“Ako I know my time is already up. Ako naman after my mayor.., ito, I am about 75, 76, ang hihingiin ko sa Diyos pati sa lahat ng mga pari at obispo, magdasal sila para mamatay na ako,” ayon kay Duterte.

Binatikos muli ng presidente ang umano’y pagdarasal ng paring Katoliko na siya ay mamatay.

Anya, ito ang dahilan ng kanyang pagganti at pinayuhan ang mga durugista na holdapin at patayin ang mga obispo.

Iginiit ng presidente na siya ay Katoliko pa rin pero hindi na siya nagsisimba dahil hindi niya magagawa ang kanyang mga tungkulin bilang presidente.

“Ako Katoliko man ako, ‘di lang ako nagsisimba. Alam mo sa totoo lang kayong mayor, kung magsimba ako, hindi ko magawa iyong ginagawa ko, hindi ang nakaw,” giit ni Duterte.

TAGS: katoliko, nagsisimba, Obispo, Palawan, papatayin, pari, PDP Laban, Rodrigo Duterte, katoliko, nagsisimba, Obispo, Palawan, papatayin, pari, PDP Laban, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.