Mga isda namatay, ilang palaisdaan natuyo dahil sa El Niño

By Len Montaño April 05, 2019 - 02:26 AM

Apektado na rin ng El Niño ang maraming palaisdaan sa bansa kung saan marami na ang natuyo.

Ilang isda na rin ang namatay sanhi ng labis na mainit na panahon.

Nabahala naman na ang mga bangus grower sa pagkatuyo ng mga palaisdaan sa Dagupan City.

Ayon sa isang tauhan ng palaisdaan, mababaw na ang ilog kaya hindi makapasok ang tubig sa lugar.

Samantala, sinabi ng City Agriculture Office ng Dagupan, 5 barangay sa lugar ang naperwisyo na ng pagkatuyo ng palaisdaan.

Halos P9 milyon na ang halaga ng pinsala sa mga palaisdaan.

Bukod sa bangus, may napinsala na ring seaweeds.

TAGS: bangus, bangus grower, City Agriculture Office ng Dagupan, Dagupan, El Niño, Isda, namatay, natuyo, palaisdaan, pangasinan, seaweeds, bangus, bangus grower, City Agriculture Office ng Dagupan, Dagupan, El Niño, Isda, namatay, natuyo, palaisdaan, pangasinan, seaweeds

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.