Ipinipilit pa rin kampo ni Senadora Grace Poe na sapat ang residency nito sa Pilipinas para makatakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 Elections.
Sa kopya ng reaffirmation ng renouncement ng kaniyang US citizenship, makikitang isinulat ni Poe na noong May 2005 pa siya naninirahan sa Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe na ang naturang dokumento ay patunay na nagkamali lamang ang Senadora sa kanyang Certificate of Candidacy o COC noong 2013.
Honest mistake aniya ito dahil nang sagutan niya ang form sa US embassy noong 2011 ay wala pa naman itong intensyong tumakbo kahit sa Senado.
Dagdag ni Gatchalian, kung pagbabasehan ang dokumento, nalinaw na walang isyu sa residency ng Senadora dahil sampung taon at labing isa buwan na siyang residente sa Pilipinas.
Inamin naman ni Gatchalian na nalulungkot sila, lalo na raw si Poe, na mistulang binalewala ng Commission on Elections o Comelec 2nd Division ang nasabing dokumento.