M3.0 na lindol naitala sa Agusan del Norte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Agusan del Norte alas-12:14 ng madaling-araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 15 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Remedios Romualdez.

May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...