Mayweather, tinawag na ‘chicken’ habang nasa mall

By Len Montaño April 05, 2019 - 01:44 AM

Sa kabila ng kanyang estado na undefeated boxer, ilan pa rin ang hindi bilib kay Floyd Mayweather Jr., kabilang na ang isang babae na hindi itinago ang pagkainis sa American fighter.

Sa Twitter video na pinost ng user na si EditinKing Boxing, mapapanood na bumababa si Mayweather sa escalator ng isang mall.

Kasama ang kanyang security staff, magiliw na kumaway at ngumiti si Mayweather sa kanyang Filipino fans.

Pero isang babae na hindi nakita sa video ang pasigaw na sinabihan si Mayweather na hindi niya ito gusto.

Sambit pa ng babae kay Mayweather, isa itong “chicken” at naiinis siya rito.

Tila narinig ng boksingero ang sinabi ng babae kay nilingon niya ito.

Pero imbes na nainis, nginitian ni Mayweather ang babae at sinenyasan niya ito ng thumbs up.

Saglit na bumisita si Mayweather sa bansa nang dumating ito noong March 31 sakay ng kanyang private jet at 2 araw itong nanatili sa Boracay.

Mayroon dapat itong press conference sa Resorts World Manila pero hindi ito dumating kahit naghintay ang mga tao ng mahigit 8 oras.

Ito ang ikalawang pagbisita ni Mayweather sa bansa matapos ang una noong 2018 kung saan nagpunta ito sa El Nido sa Palawan.

TAGS: babae, boracay, chicken, El Nido, escalator, floyd mayweather jr, kumaway, mall, ngumiti, Palawan, resorts world manila, thumbs up, Twitter video, undefeated boxer, babae, boracay, chicken, El Nido, escalator, floyd mayweather jr, kumaway, mall, ngumiti, Palawan, resorts world manila, thumbs up, Twitter video, undefeated boxer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.