Bishop David ‘banned’ sa Facebook ng 2 oras matapos ang viral post tungkol kay Duterte
Pansamantalang na-ban sa Facebook si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David matapos ang kanyang viral post laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay David, nawalan siya ng access sa kanyang account sa loob ng dalawang oras.
Inakusahan umano siya ng Facebook ng ‘phishing’.
Mabuti na lamang anya ay naturuan siya kung paano maibabalik ang access sa kanyang account.
“I was blocked. I got some advice on how to revive it,” ayon kay David.
Miyerkules ng gabi nang mag-post sa Facebook ang obispo ng kanyang saloobin sa pagtawag ni Duterte na ‘whore’ ang kanyang ina.
Noong Martes ay binatikos ng presidente si David sa umano’y paggamit sa pulpito para siya ay atakihin.
Ang mga akusasyon ay mariin namang itinanggi ni David at sinabing hindi ganoon ang gamit ng pulpito.
Sa ngayon bumuhos ang suporta sa obispo sa kanyang post na mayroon nang higit 13,000 reactions at 8,800 shares.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.