1 patay, 1 sugatan sa sunog sa furniture store sa Muntinlupa

Credit: Muntinlupa News Express

Isa ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasugatan sa sunog sa isang furniture store sa Muntinlupa City Huwebes ng umaga.

Ayon kay Senior Fire Officer III Jupiter Palaganas, nasawi ang 50 anyos na si Joseph Lepata na nagtatrabaho sa tindahan.

Nagtamo naman ng first degree burn si Renante Clavano, 20 anyos.

Ang nasunog ay ang Markline Furniture na nasa Las Vegas Street sa Putatan.

Umabot lang ang sunog sa unang alarma at nagdeklara ng fire under control makalipas ang 30 minuto.

Tinatayang P2 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.

Read more...