4 patay sa sagupaan ng PNP, MILF sa Lanao del Sur

By Len Montaño April 05, 2019 - 12:29 AM

Apat ang nasawi habang hindi pa mabilang ang nasugatan sa pagsisilbi ng pulisya ng warrants of arrest sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Madamba, Lanao del Sur.

Kinilala ang mga napatay na sina Zanadin Macalatas, Usop Abdulaziz, Alican Usman at Casara Macalatas.

Ayon kay Police Col. Madzgani Mukaram, provincial director ng Lanao del Sur, nagsilbi ng limang warrants of arrest Huwebes ng umaga laban sa mga sangkot sa pagpatay sa isang opisyal ng Barangay Ilian pero nauwi ito sa sagupaan.

Paalis na ang tropa ng gobyerno nang humarang ang ilang armadong katao at nagpapaputok.

Samantala, kinumpirma ni Von Al Haq, military chief ng MILF, ang mga napatay ng mga pulis ay kanilang mga miyembro.

Ang lugar anya ay isang kampo ng MILF na nasa pamumuno ni Kumander Abu Haniff.

Narekober sa mga suspek ang matataas na kalibre ng mga baril kabilang M-203 at dalawang M-16 rifles at mga bala.

TAGS: bakbakan, Col. Madzgani Mukaram, Kumander Abu Haniff, Lanao Del Sur, Madamba, MILF, nanlaban, nasugatan, patay, sagupaan, Von Al Haq, warrants of arrest, bakbakan, Col. Madzgani Mukaram, Kumander Abu Haniff, Lanao Del Sur, Madamba, MILF, nanlaban, nasugatan, patay, sagupaan, Von Al Haq, warrants of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.