BPI may major systems upgrade simula mamayang gabi

Magsasagawa ng major systems upgrade ang Bank of the Philippine Islands (BPI) simula alas-10:00 mamayang gabi (Biyernes April 5) hanggang alas-5:00 ng umaga ng Linggo (April 7).

Ayon sa abiso ng bangko, ito ay para mapaganda pa ang banking experience ng kanilang customers.

Sa kasagsagan ng systems upgrade, hindi magagamit ang online banking, mobile app, Bizlink platform, ATMs at CAMs at maging ang Debit at Prepaid Card services.

Ilang mga branches naman ng BPI at ng BPI Family Savings Bank ang magbubukas araw ng Sabado at Linggo para magbigay ng serbisyo sa kanilang customers.

Read more...