Duterte: ‘I can say what I want to say’

By Rhommel Balasbas April 04, 2019 - 11:59 PM

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na bilang presidente ay may kalayaan siyang ipahayag ang anumang bagay na nais niyang sabihin.

Sa talumpati ng pangulo sa Puerto Princesa, Palawan araw ng Huwebes, muling ipinagtanggol ng pangulo ang kanyang maaanghang na pagbabanta laban sa mga kriminal, drug suspects at mga terorista.

Anya, kapag nagbanta siyang papatayin ang isang tao ay pananakot lamang ito sa masasamang loob na ihinto ang kanilang mga ibinabalak.

“Pag sinabi kong papatayin kita, it could be a truism or tinatakot ko ang lahat para mag tiptoe,” ani Duterte.

Maaari anya kasing epektibo ang bantang pagpatay kung galing mismo ito sa bibig ng isang mayor o pangulo.

“Pag sinabi kong papatayin kita, it might be a deterrent. Coming from the mouth of a mayor or a President baka matakot kita. Eh kung patayin nalang kita wala akong sabihin,” dagdag ng presidente.

Iginiit din ni Duterte na wala namang masama sa kanyang mga pagbabantang pumatay dahil sa problema ng bansa sa kriminalidad, rebelyon at iligal na droga.

“What is wrong with my statement? I am the President. There’s the Abu Sayyaf, there’s the ISIS. There’s a rampaging drug problem. What is wrong when I say, do not destroy my country because I will kill you”, giit ng presidente.

“Tell me what is wrong with that. Sinong Presidente ang hindi pwedeng makasabi ng ganun, taken in the context of what is happening in our country today?” pahayag ng pangulo.

TAGS: banta, deterrent, drug suspect, kriminal, magpahayag, malaya, papatayin kita, Rodrigo Duterte, terorista, tinatakot, truism, banta, deterrent, drug suspect, kriminal, magpahayag, malaya, papatayin kita, Rodrigo Duterte, terorista, tinatakot, truism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.