Duterte hindi ilalabas ang pangalan ng mga artistang kasama sa drug watchlist

By Rhommel Balasbas April 04, 2019 - 11:30 PM

Hindi ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga artistang kasama sa drug watchlist.

Sa talumpati sa Puerto Princesa, Palawan araw ng Huwebes, sinabi ng pangulo na hindi naman tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno ang ilan sa mga nasa drug watchlist na kinabibilangan ng mga artista.

“Yung listahan ng mga drug users or mga addict or mga traffickers, yung mga artista, yung ibang tao di ko bitawan yan. Alam niyo kung bakit? Di naman sila seeking public office,” ani Duterte.

Nauna nang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may 31 artista na nasa drug watchlist.

Desidido naman si Duterte na ilabas ang listahan ng mga pulitikong nasa kalakalan ng droga.

Ito ay dahil trabaho niya umanong ipakilala sa mga tao ang mga kandidato.

Dagdag pa ng pangulo, bilang demokratrikong bansa ay ayos lamang kung iboboto pa rin ng mga mamamayan ang mga nasa listahan.

“I am morally, legally bound to tell the people eto yung mga kandidato ninyo. So bahala kayo. If they still vote for you fine, this is a democracy. But the people ought to know and that is my solemn duty to inform the public”, dagdag ni Duterte.

TAGS: 31 artista, drug watchlist, hindi ilalabas, kandidato, pangalan, PDEA, Pulitiko, Rodrigo Duterte, 31 artista, drug watchlist, hindi ilalabas, kandidato, pangalan, PDEA, Pulitiko, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.