Dating aide ni Halili at kasama nito dinukot sa Laguna
Dinukot sa Sta. Rosa City sa Laguna ang isang mayamang negosyante na naging kontrobersyal dahil sa pagka-ugnay sa pinatay na si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.
Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon Police, dinukot si Allan Fajardo at kasama nitong si Ricky Atienza alas 8:00 Miyerkules ng gabi ng grupo ng mga lalaki habang ang dalawa ay nasa isang restaurant sa hotel sa Nuvali district.
Ang mga biktima anya ay pwersahang pinasakay sa isang puting van na tini-trace na ngayon ng pulisya.
Nagpanggap umano na mga pulis ang halos 20 lalaki at sapilitang kinuha sina Fajardo at Atienza.
Naiwan sa parking area ng hotel ang sasakyan ni Fakardo pero wala na ang dashboard camera nito.
Isa ang negosyo sa mga anggulong tinitingnan ng otoridad.
Si Fajardo, na may ari ng scrapping business, ang dating namuno sa Anti-Crime Group ni Halili na umaresto at nagparada sa mga kriminal sa syudad o ang kontrobersyal na “shame campaign” ng pinaslang na Alkalde.
Sangkot din si Fajardo sa illegal drugs trade na dahilan umano kaya nasama si Halili sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.