Meralco: Dagdag singil sa kuryente nakaamba sa Abril

By Len Montaño April 04, 2019 - 10:51 PM

Nagbabadya ang dagdag singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.

Sa pahayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga araw ng Huwebes, sinabi nito na sa inisyal na pagsuri nila ay magkakaroon ng kaunting pagtaas sa adjustment sa spot market.

Iaanunsyo ng Meralco ang eksaktong halaga ng dagdag singil sa susunod na linggo.

Samantala, sa ika-apat na sunod na araw ay muling nagtaas ng yellow alert sa Luzon Grid dahil naging manipis ang reserbang kuryente.

Ito ay dahil sa pagpalya ng ilang planta ng kuryente habang ang iba ay nagbawas ng produksyon ng kuryente.

Gayunman ay tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat pa rin ang suplay ng kuryente sa buong panahon ng tag-init.

Siniguro pa ng ahensya na walang mararanasang brownout kahit may yellow alert sa Luzon Grid.

Pero wala mang power interruption ay maaari namang magdulot ang yellow alert ng dagdag presyo sa mga consumer dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market.

Mula sa P3 hanggang P5 kada kilowatt hour na bentahan, may ilang oras na pumalo ang presyo sa P32 kada kilowatt hour.

Sa electricity bill sa Mayo lalabas ang dagdag singil dahil sa magkakasunod na 4 na araw na yellow alert.

TAGS: abril, adjustment, brownout, dagdag singil, DOE, electricity bill, Joe Zaldarriaga, luzon grid, manipis ang reserbang kuryente, Meralco, planta ng kuryente, spot market, Yellow Alert, abril, adjustment, brownout, dagdag singil, DOE, electricity bill, Joe Zaldarriaga, luzon grid, manipis ang reserbang kuryente, Meralco, planta ng kuryente, spot market, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.