Liza Soberano, umatras sa pelikulang ‘Darna’

By Len Montaño April 04, 2019 - 10:09 PM

Umatras ang aktres na si Liza Soberano sa paggawa ng pelikulang “Darna” dahil umano sa medical reason.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng ABS-CBN araw ng Huwebes na tinanggap nila ang desisyon ni Soberano na umatras sa “Darna” movie project.

Ayon kay Kane Errol Choa, Head ng ABS-CBN Corporate Communications, nabali ang buto sa daliri ng aktres habang gumagawa ng fight scene sa set ng teleseryeng “Bagani” noong nakaraang taon.

Sumasailaim pa anya sa treatment si Liza at nagrerekober sa trauma.

Matapos ang konsultasyon sa mga doktor, napagdesisyunan na makakabuti kay Liza na huwag nang ituloy ang proyekto dahil pwedeng makaapekto ang injury nito sa epektibong paggawa ng mga stunts na kailangan sa pelikula.

Ayon pa sa Kapamilya Network, naiintindihan at iginagalang nila ang desisyon ni Liza at wish nila ang paggaling ng dalaga.

Samantala, tuloy ang paghahanda sa “Darna” movie at nangako ang ABS-CBN na mapapanood pa rin ng publiko ang istorya ng naturang Filipina superheroine.

Nagsimula na ang pamimili sa bagong aktres na gaganap bilang “Darna.”

TAGS: ABS-CBN, Bagani, Darna, Filipina superheroine, injury, Kane Errol Choa, Kapamilya Network, Liza Soberano, medical reason, nabali ang buto sa daliri, stunts, umatras, ABS-CBN, Bagani, Darna, Filipina superheroine, injury, Kane Errol Choa, Kapamilya Network, Liza Soberano, medical reason, nabali ang buto sa daliri, stunts, umatras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.