Pagpatay sa mag-iina sa Bulacan, case solved na

By Angellic Jordan April 04, 2019 - 09:52 PM

Credit: PIO Bulacan

Idineklara nang case solved ng pulisya ang pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ito ay kasunod ng pagka-aresto sa dalawang suspek sa krimen, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Provincial Police Office, naaresto sa joint operation ang mga pulis at National Bureau of Investigation (NBI) sina Wildon Nosal, 23 anyos at kasabwat na si Joselito Cortez, 47 anyos.

Sina Nosal at Cortez ang nasa likod ng pagpaslang kina Jaymee Casabuena Biding at dalawang anak.

Ani Bersaluna, napag-alaman ang pagka-kilanlan ng mga suspek sa tulong ng pahayag ng mga saksi sa krimen.

Sinabi ng pulisya na bloated na ang katawan ng mga biktima nang makita sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian, Miyerkules ng hapon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with homicide.

TAGS: 2 suspek, Bulacan, Bulacan Provincial Police Office, case solved, Joselito Cortez, mag-iina, NBI, pagka-aresto, pagpatay, robbery with homicide, Wildon Nosal, 2 suspek, Bulacan, Bulacan Provincial Police Office, case solved, Joselito Cortez, mag-iina, NBI, pagka-aresto, pagpatay, robbery with homicide, Wildon Nosal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.