Sa kanilang resolusyon na inilabas ngayong araw, sinabi ng DOJ na kinakitaan ng probable cause ang pagsasampa ng kaso kay Baldo at ilan pa sa kanyang mga tauhan.
December 22 noong nakalipas na taon nang tambangan si Batocabe kasama ang kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz at nagresulta rin ito sa pagkakasugat ng ilan pang biktima sa bayan ng Daraga.
Ang kaso laban kay Baldo at kanyang mga kasangkot sa krimen at isinampa sa Legazpi City Regional Trial Court.
Kabilang rin sa mga kinasuhan ng murder at frustrated murder sina Christopher Naval, Emmanuel Rosello, Jaywin Babor, Henry Yuson, at Rolando Arimado.
Dahil sa ang kaso ay murder, sinabi ng DOJ na hindi papayagang makapag-piyansa ang nasabing incumbent official.